Ano ang Airport Integrated Operations Center (Sentro para sa Pinagsamang mga Operasyon ng Airport, AIOC)?
Pinagsasama ng AIOC ang mahahalagang gawain at ang mga may interes o stakeholders sa isang sentral na lugar na nagkakaloob ng 360-degree na pagtingin sa lahat ng gawain ng airport, kung saan matitingnan ang pagpapagaling pa ng kahusayan sa mga operasyon at sa karanasan ng mga bisita. Binubuo at ipinatutupad na ng SFO ang namumuno sa industriyang AIOC na isasapuwesto sa bagong Administrative Building (Gusali para sa Pamamahala), na nasa pagitan ng Terminal 2 at Terminal 3.
Karanasan ng mga Bisita

Magtutuon ang AIOC sa karanasan ng mga bisita at susubaybayan nito ang biyahe ng kostumer, mula sa oras ng pagdating ng indibidwal sa Airport hanggang sa oras na umalis ang kanyang flight. Tuloy-tuloy na maghahanap ang AIOC ng mga paraan upang mapaghusay ang panahon ng pagbibiyahe ng bisita habang pinagaganda pa ang kanyang karanasan sa SFO.
Tingnan ang Customer Journey Map (Mapa ng Biyahe ng Kostumer).
Sa pagsisimula, may tatlong mahahalagang nagpapakita ng pagganap (key performance indicators, KPI):
1. Daloy ng mga Sasakyan: Magpanatili ng hindi nagbabagong daloy na 12 milya kada oras sa mga daanan
2. Mga Checkpoint para sa Seguridad: Panahon ng paghihintay na mas mababa sa 20 minuto
3. Mga Pagdating: Kailangang hindi lumampas sa 30 minuto ang pagta-taxi (paggalaw ng eroplano sa lupa bago ang paglipad o matapos ang paglapag) ng eroplano
Plano ng AIOC para sa mga Operasyon nito sa Hinaharap

Ang AIOC Future Operations Plan (Plano ng AIOC para sa mga Operasyon nito sa Hinaharap) ay pang-araw-araw na pagbibigay ng pangkalahatang impormasyon na gumagamit ng pang-araw-araw na sukatan o metrics, at ng opinion ng mga may interes o stakeholders, at nang makapagkaloob ng larawan ng maaasahan sa susunod na panahon ng mga operasyon sa Airport. Magbibigay ang Future Operations Plan ng kamalayan ukol sa dalawang larangan, ang pamumuno at ang mga operasyon, na nagbibigay sa kanila ng kakayahan na magplano at tumugon batay sa bagong mga impormasyon na ito.
May Koordinasyon na mga Pakikipagkomunikasyon

Ang AIOC ang magiging nag-iisang pagmumulan ng impormasyon ukol sa katayuan ng mga operasyon ng Airport, kung kaya’t matitiyak na gumagana nang tulad ng dapat ang lahat ng bahagi ng karanasan ng bisita.
Integrasyon sa mga Departamento ng Airport

Bubuuin ang AIOC ng mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng SFO, at magdadala ang bawat isa sa kanila ng natatanging perspektiba at pangkat ng mga kakayahan sa operasyon. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang pangkat at pagbibigay ng lakas sa kanila sa pamamagitan ng aktibong paggawa ng mga desisyon, mas mabilis na malulutas ang mga problema, at magkakaroon ng mas mabubuting resulta.
Tanungin Ako

Tanungin ang Direktor ng AIOC na si Nancy Byun Riedel tungkol sa AIOC.
nancy.byunriedel@flysfo.com
Magkita Tayo
Gustong-gusto naming na makilala ang inyong team. Mag-email sa team namin at makikipag-ugnay kami para sa oras ng pagkikita: sfo-aioc-t360@flysfo.com.